Rizal PPO nakakumpiska ng mahigit P2-M halaga ng ilegal na droga sa 1 linggo

Rizal PPO nakakumpiska ng mahigit P2-M halaga ng ilegal na droga sa 1 linggo

UMABOT sa mahigit P2-M na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa pamamagitan ng anti-illegal drugs operations ng Rizal Police Provincial Office (PPO) sa loob lang ng isang linggo.

Sa nasabing mga operasyon din naaresto ng RPPO ang 40 personalidad.

Ayon kay Rizal PPO Director Col. Felipe Maraggun na mula sa ginawang 24 na anti-illegal drugs operations ng iba’t ibang police station sa lalawigan ng Rizal nakumpiska nila ang nasa mahigit 300 na gramo ng ilegal na droga.

Ang pinakamalaki rito ay ang ginawang buy-bust operation sa Brgy. Pag-asa Binangonan, Rizal na kung saan nakuha mula sa isang high value target ang nasa mahigit isang milyong halaga ng ilegal na droga.

Maliban dito, naaresto rin ng mga operatiba ng Rizal PPO ang limang persons in possession of loose firearms, 15 ang naaresto dahil sa illegal gambling, at 40 wanted persons.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter