ITINALAGA ang pinuno ng BTS na si Kim Nam-joon o mas kilalang RM bilang Public Relations Ambassador sa Ministry of National Defense ng South Korea para sa Killed in Action Recovery and Identification (MAKRI) Division.
Ito ay kinumpirma mismo ng big hit music.
Magiging bahagi si RM sa mga aktibidad ng organisasyon upang itaguyod ang layunin nito.
Ang MAKRI ay isang yunit ng ahensiya na namamahala upang marekober at matukoy ang mga labi ng mga sundalong namatay sa Korean war noong 1950-1953.
Inihayag naman ng K-pop idol na magsisikap sa bago nitong tungkulin at isulong ang mga makabuluhang aktibidad sa ahensiya sa labas o loob ng kanilang bansa.