RM1,500 minimum wage rate sa Malaysia, opisyal nang idineklara

RM1,500 minimum wage rate sa Malaysia, opisyal nang idineklara

OPISYAL nang idineklara sa bansang Malaysia ang bagong minimum wage rate para sa mga empleyado kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa May 1.

Ito ay magkakabisa kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong Linggo.

Ang naturang Minimum Wages Order 2022 ay ginawa ni Human Resources Minister Datuk Seri M. Saravanan na inilathala sa isang federal government gazette nitong Huwebes, Abril 28.

Ang bagong RM1,500 na minimum wage rate ay ilalapat sa isang employer na may lima o higit pang empleyado mula May 1.

Nangangahulugan ito na ang pinakamababang sahod na dapat bayaran ng mga employer sa mga manggagawa ay aabot sa RM7.21 kada oras.

Kung ang isang employer ay nagsasagawa ng natural na aktibidad ay may mas mababa sa limang kandidato, ang naturang empleyado ay kailangang magbayad ng hindi bababa sa RM1,500 mula sa unang araw ng Mayo.

Bago magsimula ang bagong RM1,500 na minimum wage rate para sa mga employer na may mga manggagawa na hindi bababa sa lima katao, ang mga employer na ito ay patuloy na magbabayad ng RM1,200 o RM1,100 depende kung saan ang workplace ng mga ito.

Habang ang employer naman na may limang empleyado ay karapat dapat lamang sa bagong RM1,500 minimum wage rate mula Enero 1, 2023, walong buwan mula sa May 1.

Noong Enero taong 2013, ang minimum rate ng West Malaysia at RM900 kada buwan habang RM800 naman para sa Sabah, Sarawak at sa federal territory ng Labuan.

Follow SMNI NEWS in Twitter