Road accidents hanggang Jan. 5, nasa 656 na—DOH

Road accidents hanggang Jan. 5, nasa 656 na—DOH

NASA 656 na ang naitalang kaso ng road accidents mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 5, 2025.

Sa ibinahaging datos ng Department of Health (DOH), nasa 569 ang kaso ng mga tao na hindi gumagamit ng safety accessories; nasa 468 ang mga nasangkot sa motorcycle accidents; habang 123 ang kaso ng drunk driving.

Nananatili namang nasa pito ang nasawi dahil sa road accidents.

Apat sa mga nasawi ay nasangkot sa motorcycle accident.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble