Road safety advocates, isinusulong na mailagay sa curriculum ng basic education

Road safety advocates, isinusulong na mailagay sa curriculum ng basic education

ITINUTULAK ngayon ng Partnership for Enhanced Road Safety (PERS) sa Department of Education (DepEd) na mailagay sa curriculum ng basic education ang pagtuturo sa road safety.

Sa Pandesal Forum, sinabi ni PERS chairman Atty. Alex Abaton, nakababahala na ang naitatalang kaso ng aksidente sa lansangan.

Punto ni Abaton, posibleng humantong sa epidemic ito kung hindi tutugunan ng pamahalaan.

Pero, positibo naman si Abaton na sa oras na mailagay sa curriculum ng basic education ang road safety ay inaasahang magiging epektibo ito upang mapababa ang kaso ng aksidente sa lansangan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, umabot sa higit 1,000 bata na edad 1 – 15 ang namatay dahil sa disgrasya sa lansangan.

Samantala, sinabi pa ng grupong PERS na nakipag-ugnayan na sila kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ukol dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter