INILUNSAD ng Securities Exchange Commission (SEC) nitong Pebrero 15 ang “SEC Roadshow on Capital Market Formation for MSMEs and Start-ups” sa lungsod ng Davao.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang naturang event ay bilang suporta kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa pagbibigay ng iba’t ibang paraan para pondohan ang Micro, Small, and Medium enterprises (MSMEs).
Saad ng PCO, ang hakbang na ito ay may kakayahang makatulong sa pag-unlad ng bansa.
Nilahukan ng daan-daang negosyante ang unang roadshow sa Davao City na tumalakay sa iba’t ibang paraan upang makakuha ng suporta ang MSMEs sa tulong ng capital market gaya ng crowd funding.
Samantala, magkakaroon din ng roadshow ang SEC sa iba pang parte ng bansa kasama na rito ang Metro Manila.