Robin: Napakagandang balita kung may ‘3 Duterte sa Senado

Robin: Napakagandang balita kung may ‘3 Duterte sa Senado

NAPAKAGANDANG balita ang turing ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla kung maluklok sa Senado si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang dalawa niyang anak sa 2025.

Ani Padilla na acting president ng partidong PDP, magkakaroon na siya ng kakampi sa Senado bukod kay Sen. Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” dela Rosa, at Francis Tolentino.

“Napakagandang balita noon. Para sa akin magkakaroon ako ng kakampi sa Senado bukod kay Sen. Bong Go, Sen. Bato, at Sen. Tolentino,” aniya.

Maaaring tumakbo sa 2025 si Go, Dela Rosa, at Tolentino para sa bagong termino sa Senado.

Ayon kay Padilla, maganda ang track record sa trabaho ng dating Pangulo, ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, at ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

“Pag pag-uusapan natin record sa trabaho, wala tayong masasabi kay Pres, Pulong, at Baste, nagtatrabaho naman mga ‘yan,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter