Robredo, aminadong malaking hamon sa kanyang mga taga-suporta ang pangangampanya sa Leyte

Robredo, aminadong malaking hamon sa kanyang mga taga-suporta ang pangangampanya sa Leyte

AMINADO si presidential candidate at Vice President Leni Robredo na malaking hamon para sa kanyang mga taga-suporta ang pangangampanya sa Leyte.

Mababatid na karamihan sa Local Government Officials ng Leyte ay suportado ang kandidatura ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaugnay nito, hinimok ng bise presidente ang mga volunteer na katukin ang bawat pinto sa probinsya para ipaabot ang mensaheng “Gobyernong Tapat.”

Inihayag pa ni Robredo na bagama’t talo siya sa Leyte at buong Eastern Visayas sa vice-presidential race noong 2016, ay mayroon pa ring implementing programs ang kanyang opisina sa ilang komunidad sa rehiyon.

Matatandaang pormal na inanunsyo ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla ang suporta nito kay Marcos Jr.

Follow SMNI NEWS in Twitter