Robredo, hinamon si BBM sa isang debate

Robredo, hinamon si BBM sa isang debate

HINAMON ni Vice President Leni Robredo ang kapwa nito kandidato na si former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isang debate.

Ayon kay VP Leni, mainam na humarap si Bongbong Marcos sa publiko sapagkat naniniwala ito na hindi pa naririnig ng taumbayan si Marcos na makipag debate kasama ang ibang kandidato.

Dagdag pa ni VP Leni, gusto niyang matanong nang personal si BBM sa pamamagitan ng isang debate tungkol sa mga isyu niya sa buhay.

Sa ngayon, nakapag-pasya na rin si VP Leni na hindi muna dadalo sa presidential panel interview ng COMELEC na ipalalabas sa ika-2 hanggang ika-6 ng Mayo sa tulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Ani Leni, mas bibigyan niya ng prayoridad ang kanyang mga naka-schedule na kampanya para makasama ang kanyang mga supporter.

Naniniwala rin si VP Leni na naihayag na niya ang kanyang track record, plataporma at prinsipyo sa mga nagdaang panel interview.

Samantala, mababatid na humarap na si BBM sa publiko sa pamamagitan ng SMNI Presidential Debate kung saan humarap ito sa mga dalubhasa at sinagot ang iba’t ibang napapanahong isyu.

BASAHIN: Tricia Robredo, dumulog sa NBI upang paimbestigahan ang mga kumakalat na mapanirang videos gamit ang kanyang pangalan

Follow SMNI NEWS in Twitter