Robredo, maglalabas ng pahayag kaugnay sa pagbasura sa electoral protest laban sa kanya

MAGLALABAS ng pahayag si Vice President Leni Robredo mamayang gabi ukol sa pagbasura ng SC sa electoral protest laban sa kanya.

Ibasura ng Korte Suprema na siyang nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET), ang inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa pangalawang pangulo.

Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na alas sais mamayang gabi mag-iisyu ng statement si Robredo.

Ngayong hapon nang sinabi ni Supreme Court Spokesperson Brian Hosaka na ‘unanimous’ ang naging boto ng korte hinggil dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.