Rod Stewart, magsasagawa ng Asian tour matapos ang 15 taon

Rod Stewart, magsasagawa ng Asian tour matapos ang 15 taon

TUTUNGO sa Pilipinas ang two-time Rock & Roll Hall of Fame inductee na si Rod Stewart!

Sa anunsiyo ng Live Nation Philippines, Marso 13, 2024 alas otso ng gabi sa Mall of Asia Arena ang schedule ng singer.

Ayon sa legendary singer, 15 taon na ang nakalipas nang huling nagkaroon ito ng Asian tour.

Magsisimula ang ticket selling para sa “Live in Concert, One Last Time” Asian tour ni Stewart sa Nobyembre 16.

Sikat ang British rock & pop singer- songwriter noong 1960s hanggang 1970s sa mga kanta tulad ng “Have I Told You Lately”, “All For Love” kasama sina Canadian singer Bryan Adams at English musician na si Sting, “Sailing”, “Baby Jane”, “Maggie May” at marami pang iba.

Maliban sa Pilipinas ay bibisitahin din ng legendary singer sa kaniyang Asian tour ang Bangkok, Kaohsiung sa Taiwan, Hong Kong, Singapore, at Tokyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter