MAGPAPATUPAD ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.
Sa pagtataya, posibleng bababa mula P0.20 hanggang P0.40 ang kada litro ng diesel at gasolina.
Habang mula P0.50 hanggang P0.70 kada litro naman ang ibababa sa kerosene.
Nakatakda namang i-anunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw ng Lunes.
Samantala, batay sa huling datos ng Department of Energy (DOE), ang kasalukuyang presyo sa kada litro ng gasoline ay umaabot na mula P63.05 hanggang P83.75.
Habang nasa P62.95 hanggang P74.04 pesos hanggang P93.09 sa kada litro ng kerosene.