NAGKAKAROON ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Nasa 30 sentimo kada litro ang rollback sa diesel at kerosene.
Habang nasa 90 sentimo naman sa kada litro ng gasolina.
Ang naturang oil price rollback ay epektibo noong Martes, Disyembre 31, 2024.
Sa kabilang banda, nagkaroon din ng rollback sa mga presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kompanya tulad Petron Corp. at Solane.
Sa abiso ng Petron, 90 sentimo kada kilo ng LPG ang kanilang rollback at naging epektibo ito, 12:01 ng hatinggabi nitong Enero 1, 2025.
Sa Solane, nasa 91 sentimo kada kilo ang kanilang rollback at naging epektibo naman ito, 6 AM sa kaparehong araw.
Sanhi ng price reduction ang mababang international contract price ng LPG para ngayong buwan ng Enero.