MULING magpatutupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.
Sa estimated price, posibleng bababa ang presyo kada litro ng diesel mula P1.60 hanggang P2.10.
Habang bababa naman mula P0.10 hanggang P0.60 ang kada litro ng gasoline.
Aasahan ding may kaltas mula P1.00 hanggang P1.50 ang kada litro ng kerosene.
Nakatakda namang i-anunsiyo ngayong araw ng mga kumpanya ng langis ang kanilang price adjustment.