GOOD news sa mga motorista! magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya, posibleng bababa ng mahigit sa dalawang piso ang kada litro ng gasolina.
Posibleng may bawas din na mula P0.50 hanggang P0.70 sa kada litro ng diesel at mula p0.70 hanggang p0.90 sa kerosene.
Ang nasabing bawas presyo ay magiging epektibo bukas, araw ng Martes.
Asahan naman ngayong araw ang anunsyo ng mga kumpaniya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.