MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Sa estimated price ng ilang oil industry, bababa ng mula P2.40 hanggang P2.60 ang kada litro ng diesel at kerosene.
Habang mula P0.50 hanggang P0.60 ang kada litro ng gasolina.
Asahan naman ngayong araw ang anunsiyo ng mga kumpanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.
Ang rollback price ay nakatakda namang ipatupad sa araw ng Martes, Enero 10.