Ronnie Ricketts, magkakaroon ng camera comeback

Ronnie Ricketts, magkakaroon ng camera comeback

MAGKAKAROON na ng camera comeback ang beteranong aktor na si Ronnie Ricketts simula ngayong araw sa TV series na “Mga Batang Riles”.

Ang magiging role ni Ronnie doon ay ang pagiging maestro at direktor na rin ng ‘young actors’ lalong-lalo na sa kaniyang sariling brand ng martial arts.

Si Ronnie ay nag-aral ng karate, kung fu, boxing, at mixed martial arts simula pa noong limang taong gulang pa lamang sya.

Marunong din ito ng kickboxing, arnis, at knife fighting.

Si Ronnie rin ang isa sa seniors at first generation members ng Martial Arts Association na Bakbakan International.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble