MAY pros at cons ang pagkakaroon ng bagong Agriculture secretary ng bansa.
Para kay Atty. Harry Roque, ang bentahe ng pagiging kalihim ng agrikultura mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay lumago muli ang Department of Agriculture (DA).
Ito’y dahil kung ano ang sasabihin ni Pangulong Marcos ay dapat masunod ng nabanggit na ahensiya.
Ang disadvantage naman sa pagiging kalihim ni Pangulong Marcos sa DA, hindi gaanong matutukan ng Pangulo ang ahensiya dahil marami rin itong minomonitor at tinututukan para sa bansa.
Sa kabuuan, sinabi ni Roque na tama ang desisyon ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng DA sa ngayon.
Subalit sa ibang punto, dapat ay magtalaga na rin ito ng ibang kalihim para sa ahensiya.