Roque, muling kinalampag ang DA kaugnay sa suplay ng bigas

Roque, muling kinalampag ang DA kaugnay sa suplay ng bigas

MULING kinalampag ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang Department of Agriculture (DA) kaugnay sa suplay ng bigas sa bansa.

Sa kaniyang programa sa SMNI, binigyang-diin ni Atty. Roque na dapat ibalik ng bansa ang rice self-sufficiency program.

Nakaaalarma aniya ang inilabas ng United States Department of Agriculture (USDA) na Pilipinas ang nangungunang bansa sa nag-iimport ng bigas.

Hindi rin aniya dapat umasa sa pag-aangkat ng bigas dahil nagkakaroon ng climate change na nakakasalanta sa ani ng iba’t ibang bansa.

Iminungkahi rin ni Roque na bumalik na ang Pilipinas sa dati nitong estratehiya na magkaroon ng kakayahan na umani ng sapat na bigas.

Para matulungang mapalaki ang suplay ng bigas, dapat aniyang paramihin ang irigasyon, ayuda para sa mga pataba sa pagsasaka, at tiyaking walang smuggling o hoarding upang mapataas ang presyo ng lokal na bigas.

Pinuna rin ni Roque na kahit may inangkat na bigas ngunit hindi maibaba ang presyo sa bansa dahil binili ito nang mahal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble