NAIINTINDIHAN ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque kung mababawasan man ang magiging budget ng Department of Health (DOH) para sa taong 2024.
Hindi magandang palaging bababa ang pondo ng DOH subalit tapos na aniya ang COVID-19 pandemic at wala nang gaanong maraming bilhin.
Ito ay matapos naging kuwestiyunable para sa ilang mambabatas ang halaga ng itatapyas na pondo mula sa 2024 proposed budget ng ahensiya.
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, tinatayang aabot sa P10-B ang planong ibawas.
Ani Recto, kinakailangan pa rin ng DOH ang malaking pondo sa susunod na taon dahil bumabangon pa lang ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Samantala, sa kasalukuyan na wala nang Covid, isa sa “crucial” na dapat tutukan ng DOH ayon kay Roque ay ang Universal Health Care Law.