Roque,  sumailalim sa swab test makaraang magpositibo  sa COVID-19 si Sec. Villar

Roque, sumailalim sa swab test makaraang magpositibo sa COVID-19 si Sec. Villar

IPINABATID ni Presidential spokesperson Harry Roque na sumailalim na siya sa swab test makaraang magpositibo sa COVID-19 si Department of Public Workds and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar.

 

Nakahalubilo aniya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Villar Mark nito lamang nakaraang Biyernes.

 

Sinabi ni Roque na magkasama sila ni Villar sa ginanap na contract signing at ground breaking ceremony ng CAVITEX Segment 2 and 3A nitong July 10.

 

Sa ngayon ay naghihintay na lamang ng resulta ang Presidential spokesperson.

 

Samantala, inilahad ni ‘Build, Build, Build’ Chairperson Anna Mae Lamentillo na naka-isolate na si Secretary Villar at hindi na rin matutuloy ang mga naka-skedyul nitong aktibidad.

 

Kamakailan lang itinalaga ng Palasyo si Villar bilang isolation czar para sa laban ng bansa kontra COVID-19.

 

Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sasailalim siya sa self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang mga staff.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.