Rosegie Ramos, nakakuha ng dalawang medalya sa 2024 Asian Weightlifting Championships

Rosegie Ramos, nakakuha ng dalawang medalya sa 2024 Asian Weightlifting Championships

NAKAKUHA ng silver at bronze medals ang Pilipina weightlifter na si Rosegie Ramos mula sa 2024 Asian Weightlifting Championships na ginanap kamakailan sa Uzbekistan.

Dahil dito, posibleng makakuha na ng puwesto si Ramos para makasali sa 2024 Paris Olympics.

Ilan pa sa Pilipina weightlifters na nais na makakuha ng puwesto sa Paris Games ay sina Elreen Ando at Vanessa Sarno.

Samantala, sisikapin ni Hidilyn Diaz na makakuha ng puwesto para sa 2024 Paris Olympics.

Ito’y dahil ayon sa atleta, huling Olympics niya na ito ngayong taon.

Sa kasalukuyan ay naghahanda si Diaz para sa gaganaping International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand ngayong Abril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble