ISASARA ang Roxas Boulevard-EDSA Flyover Northbound hanggang Disyembre 30 upang bigyang daan ang pagkukumpuni.
Partikular na gagawin ay ang pag-install ng dalawang natitirang expansion joints sa Roxas Boulevard EDSA Flyover para matugunan ang mga sirang bahagi ng Northbound Lanes.
Sinimulan ang pagsasara ngayong araw, Disyembre 26 batay na rin sa advisory na inilabas ng DPWH-South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO).
Kaugnay rito ay pinayuhan ng DPWH-SMDEO ang lahat ng mga northbound na motorista na gumamit ng alternatibong ruta para hindi maabala.