ISASARADO ang Southbound Lane ng Roxas Boulevard bilang pagbibigay daan sa repair activity ng drainage structure dito.
Batay sa tansya, aabutin ng 2 hanggang tatlong buwan ang naturang pagsasaayos.
Dahil dito, pinag-iisipan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magiging alternatibong ruta ng lahat na bumabaybay na mga sasakyan dito.
Hindi pa naman tiyak kung kailan ito isasarado.
Sinasabing 53, 000 na mga motorista ang maapektuhan sa naturang road closure lalong-lalo na ang cargo trucks.
Isang opsyon ng MMDA para sa cargo trucks, dadalhin ang shipping containers mula Manila International Container Terminal sa Port of Manila papuntang Cavite.
Doon na ilalagay ang mga containers sa mga truck upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang traffic.