‘Ruby’ solo album ni Jennie ng Blackpink nakakuha ng mataas na rating sa Pitchfork

‘Ruby’ solo album ni Jennie ng Blackpink nakakuha ng mataas na rating sa Pitchfork

NAKAKUHA ng 7.1/10 na rating mula sa online music publication na Pitchfork ang ‘Ruby’ solo album ni Jennie ng Blackpink.

Sa standards ng Pitchfork, ang 7 na rating ay mataas na para sa isang artist.

Kaugnay rito, ang rating na nakuha ni Jennie ang pinakamataas din na score na nakuha ng 1 K-pop soloist sa naturang platform.

Kung ikukumpara pa sa solo albums ng kaniyang kapwa Blackpink members, nakakuha lang ng 5.5 ang ‘Rosie’ ni Rosé, at 5.2 ang ‘Alter Ego’ ni Lisa.

Ang sunod na mataas ay ang ‘Coup D’etat’ album ni G-Dragon ng BIGBANG na nakakuha ng 6.1 rating.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble