Rufa Mae Quinto, boluntaryong sumuko sa NBI; 14 na warrant of arrest, isinilbi sa aktres

Rufa Mae Quinto, boluntaryong sumuko sa NBI; 14 na warrant of arrest, isinilbi sa aktres

MULA sa San Francisco, California, USA sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres at comedian na si Rufa Mae Quinto pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal-1 bago mag-alas sais ng umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Director Judge Jaime B. Santiago, bago pa man ito umuwi sa bansa ay nakipag-ugnayan sa kanila ang abogado ni Rufa Mae para sa kusang pagsuko nito pag-uwi ng Pilipinas.

Nahaharap ang aktres sa labing apat (14) na warrant of arrest na may kinalaman sa sinasabing investments scam sa isang beauty clinic.

Kinumpirma rin ng abogado ng aktres na si Atty. Mary Louise Reyes na agad na naglagak ng piyansa sa korte sa Pasay si Rufa Mae.

Aniya, 1.7-million pesos ang piyansang inilagak ng aktres para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter