NAG-isyu si Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, Ruler ng Dubai ng bagong batas na nagdedeklara ng bagong pangalan ng Dubai Maritime City Authority.
Ito ay tatawagin ng Dubai Maritime Authority kung saan kabilang na rito ang mga daungan at Customs maging ang free zone corporation.
Nilalayon ng bagong batas na ito na palakasin ang status ng Emirata bilang global coastal trade hub.
Hindi lamang bagong pangalan ang isinasaad ng bagong batas na ito kundi ang responsibilidad at trabaho ng nasabing ahensya.
Ang Law No. 3 of 2023 ay pinapalitan ang Law No. 11 noong 2007 at ang lahat ng probisyon, desisyon at memo na inisyu para ipatupad ang Law No. 11 of 2007 ay mananatiling epektibo hangga’t wala pang bagong hakbang na iniisyu rito.