Russia, gagawa ng pelikula sa international space station

 Russia, gagawa ng pelikula sa international space station

MAGIGING kauna-unahang bansa ang Russia na makapaglikha ng pelikula na kuha sa space.

Ito ay matapos magpalabas ng pahayag ang space agency ng Russia na magpapadala ito ng film crew sa International Space Station (ISS) para sa kauna-unahang pelikula sa space.

Ayon sa Roscosmos, ipapadala nito ang 36-year old na aktres na si Yulia Peresild at ang 37-year old na direktor na si Klim Shipenko ngayong Oktubre para sa pelikulang ‘Challenge’.

Space drama ang magiging genre ng gagawing pelikula ngunit hindi naman idinetalye ng Roscosmos ang magiging papel ni Peresild dito.

Ngayong Hunyo magsisimula na ang training ng film crew tulad ng centrifuge at flights sa zero gravity bilang paghahanda sa kanilang space shooting.

Magiging co-producer ng pelikula na si Dmitry Rogozin at head ng space agency ng Russia para sa ambisyon nitong magiging unang bansa ang Russia na makapaglikha ng pelikula sa kalawakan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay kinumpirma ng US Space Agency na makikipag-team up ito sa aktor na si Tom Cruise para sa gagawing Hollywood movie sa ISS.

SMNI NEWS