Russia, inanunsyong nakapag-develop na ng COVID-19 vaccine

Russia, inanunsyong nakapag-develop na ng COVID-19 vaccine

KINUMPIRMA ni Russian President Vladimir Putin na naka-pagdevelop na sila ng gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kanyang inanunsiyo sa kanyang official Facebook page.

Ayon kay Putin, dumaan sa tamang proseso at nakapasa sa tamang mga test stage ang nasabing gamot kaya’t tiyak na ligtas at nakalulunas ito ng COVID-19.

Sinabi pa nito na sapat ang kanilang gamot para labanan ang virus hindi lamang sa kanilang bansa kundi sa buong mundo.

Dahil dito, aasahan din aniya na maaalis na tayo sa mga balakid sa ating galaw tulad na lamang ng pagpatutupad sa social distancing, pagsuot ng face shield at facemask maging ang pagpapairal ng lockdown.

Maaalala na nag-alok ng libreng COVID-19 vaccine ang Russia sa Pilipinas at malugod namang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.