Russia, ipinagbabawal ang LGBTQ-friendly content sa bagong batas

Russia, ipinagbabawal ang LGBTQ-friendly content sa bagong batas

IPINAGBABAWAL na ng Russia ang distribusyon o pagpapakalat ng kahit na anong content na ikinokonsiderang nagpo-promote ng same-sex relationships at homosexuality sa ilalim ng bago nitong batas.

Sa ilalim ng bagong batas na pinaiiral ng Russia, ang kahit na sinong indibidwal na magsasabi ng positibo tungkol sa relasyon ng dalawang parehong sekswalidad ay maaaring mamultahan at humarap sa korte.

Ang kahit na sinong lalabag sa batas na ito ay maaaring mamultahan ng hanggang 5 million Russian rubles o 70,000 dollars.

Samantala, sinabi ni Vladimir Kosarevsky na direktor ng isang malaking Moscow library na dapat na agad na ibasura ang batas na ito dahil sa diskriminasyon na maaaring ikaresulta nito. LGBTQ 

Babala niya, kung tatanggapin ng mga Russian ang ganitong sitwasyon, isusunod din bang ipadala sa prison camps ang mga miyembro ng LGBTQ at papatayin.

Follow SMNI NEWS in Twitter