INANUNSYO ng Foreign Ministry ng Russia noong Miyerkules, na magtatanggal ito ng 8 Japanese diplomats at officials sa Moscow.
Ayon sa ahensya, naging aktibo umano ang gobyerno ng Japan sa pag-batikos sa Moscow, Russia at iba ang naging aksyon sa kaugnayan nito sa bansa.
Ayon sa ahensya ng Russia, responsable ang Japan sa mga hakbang nito dahil sa pag-tanggi nito ng isang friendly at constructive na ugnayan sa Russia.
Dahil dito, nag-protesta ang Embahada ng Japan na nasa Moscow, sa naging desisyon ng Russia.
Maaalalang noong ika-8 ng Abril, ay nagtanggal din ang gobyerno ng Japan ng walong Russian diplomats at opisyales, at umalis ng bansa noong ika-20 ng Abril.
Ayon naman sa Embahada ng Japan, ang Russia ang may pananagutan at may dahilan kung bakit humantong sa ganito ang naging relasyon ng Japan sa Russia.
Kasabay ng pag-anunsyo ng Foreign Ministry ng Russia, sinabi rin nito na kinakailangang umalis na ng bansa ang 8 Japanese diplomats at officials sa Mayo 10, at hindi na magpalabas pa ng dagdag na impormasyon hinggil dito.