NAGPAKAWALA ang Russia ng mga missile at drone na tumatarget sa Ukraine, madaling araw nitong Lunes, Abril 21, 2025.
Ilang oras lamang ito matapos ang isang araw na Easter ceasefire na idineklara ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon sa Ukrainian Air Force, nagpakawala ang Russia ng 96 drones at 3 missiles sa magdamagang pag-atake na nagdulot ng pinsala sa mga rehiyon ng Kharkiv, Dnipropetrovsk at Cherkasy.
Mabuti na lang at naharang ng kanilang air defense units ang 42 Russian drones at ang 47 iba pa ay naitaboy gamit ang electronic warfare.
Sa kabila nito, wala namang naitalang agarang ulat ng mga nasugatan o malaking pinsala mula sa mga pag-atake ayon sa Ukrainian officials.