Russia, nais tumulong para makamit ng Afghanistan ang ‘kapayapaan’ sa kanilang bansa

Russia, nais tumulong para makamit ng Afghanistan ang ‘kapayapaan’ sa kanilang bansa

NAIS ng Security Council ng Russia na tulungan ang Afghanistan para makamit ang kapayapaan sa kanilang bansa.

Tugon ito ng Moscow sa ninanais ng Taliban leaders na sana’y maibsan ang sanctions na ipinapataw ng Estados Unidos sa kanila.

Ngunit binigyang-diin ni Sergei Shoigu, ang kalihim ng Security Council, pinakamainam na susi para sa muling pagtatayo ng Afghanistan ang investment ng Estados Unidos.

Tinutukoy ni Shoigu dito ang pagsasauli ng Estados Unidos ng kanilang mga ninakaw na assets, at mga pondo na pinagmamay-ari ng Afghans.

Matatandaan na 20 taon nanatili sa Afghanistan ang Estados Unidos at umalis lang sila dito noong taong 2021.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter