INANUNSIYO ng Russia ang suspensiyon ng cooperation agreement para sa pag-decommission ng nuclear weapons nito na nilagdaan kasama ang Japan taong 1993.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagbagsak ng bilateral na relasyon ng Moscow at Tokyo kasunod ng digmaan sa Ukraine noong buwan ng Pebrero ng nakaraang taon.
Ayon sa Russia, isang utos ang pinirmahan ni Prime Minister Mikhail Mishustin kung saan nakalagay nga na magbibigay abiso ang kremlin sa Tokyo ng terminasyon ng kasunduan na nagbibigay ng suporta sa Japan na mag-decommission ng mga armas.
Ang kasunduang ito ay naging malabo kasunod ng pagkabigo ng Moscow na magpadala ng military data sa Tokyo.
Ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa isang press conference, hindi aniya katanggap-tanggap na nag-anunsiyo ang Japan ng suspensiyon ng kasunduan ng hindi nagpapaabot ng paunang mensahe.
Samantala, kinansela na rin ng Russia ang economic activities nito sa mga isla na kinokontrol nito na inaangkin rin ng Japan.
Ang mga isla na ito sa Hokkaido ay kilala bilang northern territories sa Japan at Southern Kurils naman sa Russia.