Ruta ng Mobile Palengke, inanunsyo ng Pasig LGU ngayong araw

INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang mga ruta ng mga mobile palengke simula ngayong araw, Marso-25.

Ang unang ruta ay ang Purok 4, Banaag Street sa Barangay Pineda, ang pangalawang ruta ay ang Rosemarie Lane sa Barangay Kapitolyo, ang pangatlong ruta ay ang Mejia Street (Hilltop) sa Barangay Bagong Ilog, habang ang pang apat na ruta ay ang tambakan sa Barangay San Miguel at ang pang limang ruta ay ang Ilugin 1 and 2 sa Barangay Pinagbuhatan.

Kahapon, inilunsad ng Pasig LGU ang naturang mobile palengke upang mabawasan ang dami ng tao sa mga palengke at mga talipapa sa lungsod.

Alinsunod din ito sa ipinatutupad na social distancing sa ilalim ng enhanced community quarantine ng gobyerno dahil sa patuloy na banta ng Coranavirus Disease 2019 o COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.