Ryan Cayabyab, may concert sa Singapore ngayong araw

Ryan Cayabyab, may concert sa Singapore ngayong araw

MAGKAKAROON ng one-night live concert ang national artist na si Ryan Cayabyab ngayong araw, Hunyo 28.

Isasagawa ito sa Esplanade Concert Hall, Singapore, alas otso ng gabi, local time.

Kasama ni Cayabyab ang kaniyang Ryan Cayabyab Singers na kilala sa napakahusay na harmony at blending.

Inaasahan naman na kakantahin ni Cayabyab ang kaniyang mga sikat na OPM hits sa naturang concert.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter