S. Korea, isasapinal na ang solusyon sa wartime labor issue kasama ang Japan

S. Korea, isasapinal na ang solusyon sa wartime labor issue kasama ang Japan

ISINASAPINAL na ng South Korea ang tinatawag nitong final adjustments sa sinasabi ng Seoul na solusyon sa wartime labor dispute sa Japan.

Ayon sa ulat, plano ni Pres. Yoon Suk-Yeol na mag-adopt ng sistema kung saan ang pinansyal na kompensasyon sa mga kaso ng South Koreans dahil sa wartime labor sa Japanese firms ay mababayaran mula sa donasyon sa dalawang bansa.

Ayon sa mga eksperto, kakaiba umano ang hakbang na ito kung saan inihayag din ni Yoon na hindi na ito maghahanap ng written agreement sa pagitan ng dalawang bansa ukol sa sistema.

Matatandaan na dati ay nag-iisyu ang Japan at South Korea ng mutual statement matapos na makaabot sa isang kasunduan ukol sa historical issues nito.

Samantala, nagkita naman si Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi at South Korean Counterpart Park Jin noong Hulyo kung saan nangako ito na magkakaroon ng maayos na solusyon bago pa-iliquidate ang mga asset na nabuo sa mga kompensasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter