South Korea, tatanggalin na ang karamihan ng indoor mask restrictions

South Korea, tatanggalin na ang karamihan ng indoor mask restrictions

TATANGGALIN na ng South Korea ang patakaran ng pagsusuot ng face mask sa karamihan ng indoor spaces nito dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa awtoridad.

Ayon kay Prime Minister Han Duck-Soo, ang desisyong ito ay ginawa dahil na rin sa magandang medical response capabilities ng kanilang bansa, pagbaba ng bilang ng critical cases at pagkamatay mula sa virus, at dahil na rin sa patuloy na downward trend ng bagong infections.

Simula January 30 ay hindi na ipapatupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga indoor spaces maliban na lamang sa mga public transport at medical facilities.

Ang pagsusuot ng face mask na lamang ang COVID-19 restrictions na ipinapairal ng Korea dahil sa matagal na rin nitong tinanggal ang social distancing at pagpapatupad ng business curfews.

 

Follow SMNI News on Twitter