Sabah, hindi ipapasailalim sa kontrol ng Pilipinas –Datuk Wan Junaidi

Sabah, hindi ipapasailalim sa kontrol ng Pilipinas –Datuk Wan Junaidi

NAGLABAS ng pahayag si Minister in the Prime Minister’s Department (parliament and law) Datuk Seri Dr. Wan Junaidi Tuanku Jaafar nitong Oktubre 6 hinggil sa isyu sa pagitan ng gobyerno ng Malaysia at Sulu Sultanate.

Ayon sa pahayag ng Facebook page nito, sinabi ni Datuk Wan Junaidi na hindi kailanman ililipat ng kontrol ang Sabah sa Pilipinas at ipagtatanggol ng gobyerno ng Malaysia ang integridad at soberanya ng teritoryo nito.

Sinabi niya, na ang unlawful Paris Award ay ibinibay ni Arbitrator Gonzalo Stampa noong Pebrero 28 taong 2022 at ginawaran diumano ang Sulu Claimants ng US$14.92 billion.

Aniya, noong sinabi niya na ang Paris Award ay resulta ng isang private claim, ito ay nangangahulugan na ang pag-angkin ay ginawa ng mga pribadong indibidwal at hindi ng gobyerno ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, nang sabihin niya raw na ang Sulu claim at ang sinasabing Paris Award ay walang kaugnayan sa usapin ng soberanya at ang pahayag na iyon ay na kondisyon ng territorial sovereignty o kung mayroon man o walang pagkakataon na maibigay ang Sabah sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Wan Junaidi na ang Sulu claim ay isang pag-atake at isang paglabag sa soberanya at pang-ekonomiyang interes ng Malaysia sa ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter