Sabah, magbubukas ng flight routes papuntang Indonesia

Sabah, magbubukas ng flight routes papuntang Indonesia

MAGBUBUKAS ng flight routes ang estado ng Sabah sa Malaysia upang makakuha ng mga turista mula sa Indonesia.

Makikipagtulungan ang gobyerno ng Sabah upang buksan ang flight routes sa Indonesia sa pamamagitan ng Batik Air sa pagsisikap na paunlarin ang estado bilang health tourism destination.

Ayon kay State Tourism, Culture and Environment Minister Datuk Jafry Ariffin, ito ang tamang panahon para i-target ng Sabah ang health tourism sa pamamagitan ng pagsusulong ng pinakabagong mga pasilidad na inaalok ng mga ospital sa estado.

Dagdag pa ni Ariffin, dapat aniyang samantalahin ang kasalukuyang trend sa kalusugan dahil ang bawat medical tourist ay may potensyal na gumastos ng higit pa sa mga ordinaryong turista.

Kabilang din sa nasabing ruta papuntang Indonesia ang Pontianak at Balikpapan sa Kalimantan.

Inaasahang maisasakatuparan ang mga flight routes sa lalong madaling panahon upang mahikayat ang mga turista sa mga karatig bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter