SAFE alert app ng NCRPO, malaking tulong sa pagsugpo sa kriminalidad

SAFE alert app ng NCRPO, malaking tulong sa pagsugpo sa kriminalidad

INILUNSAD ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang S.A.F.E. alert mobile application o SAFE app upang mapabilis ang pagsugpo ng kriminalidad.

Sa pamamagitan ng finger touch feature nito, agad na maghahatid ng alerto ang app sa pinakamalapit na mga pulis.

Hindi rin ito dumidepende sa internet connection at maipapadala lamang ito sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).

Ang proyektong ito ay sa ilalim ng PNP’s Kasimbayanan Program.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na malaking tulong ang paggamit ng app lalo na ngayong gumagamit na rin ng teknolohiya ang mga kriminal.

Follow SMNI NEWS in Twitter