PATULOY paring gagamitin ang Safe Davao QR Code para sa contact tracing.
Muling nagpaalala si Mayor Sara Duterte na patuloy parin ang silbi ng Safe Davao QR Code para sa contact tracing ng mga indibidwal na nakasalamuha ng mga taong nag positibo sa COVID-19.
Inihayag ito ng ating alkalde sa pamamagitan ng kanyang programa sa Davao City disaster radio, nilinaw ni Mayor Sara na kahit pa ginamit ang DQR sa distribution ng pahalipay o pamimigay ng donasyon ay patuloy pa rin ang paggamit dito para sa contact tracing.
‘’Initially, it was used for contact tracing, and we still use it for contact tracing. You need to scan your qr code when you enter and exit an establishment. It will be shown there who will be positive. Safedavao qr will still be used to give information on those who are exposed to the positive case. It will also be used for our contact tracing,” ayon kay Mayor Sara Duterte.
Unang ginamit ang naturang QR Code sa contact tracing at aniya patuloy pa rin itong gagamitin para sa contact tracing ng lungsod.
Kinakailangang ipascan ang QR Code sa paglabas at pagpasok sa mga establisimyento at dito makikita kung positibo ang isang indibidwal sa COVID-19.
Ang Safe Davao QR rin ang titingnan ng pamahalaang lungsod upang makapagbigay ito ng impormasyon ukol sa mga exposed na positive case kabilang na nga ang contact tracing.
Sa kanyang mga nakaraang pahayag mata-tandaan na nagpaalala ito sa publiko na patuloy na susundin ng pamahalaang lungsod ang prevention, detection, isolation, treatment, reintegration at ang management sa mga nasawi.
At ang contact tracing ay bahagi ng detection method para sa mga kaso ng COVID-19 lalo na sa mga bagong variants tulad ng Omicron.
Samantala, hiling naman ni Davao City COVID-19 task force spokesperson Dr. Michelle Schlosser sa publiko sa isang pahayag na makiisa sa surveillance efforts ng pamahalaan kabilang na ang swabbing ng close contacts na mahalagang bahagi ng proseso upang maiwasan ang transmission.