“Sagot for sale” ng mga learning modules iimbestigahan ng DepEd

“Sagot for sale” ng mga learning modules iimbestigahan ng DepEd. Iimbestigahan ng Department of Education ang mga nakarating na balita ng ilan sa mga magulang ng mga bata ay nagha-hire ng mga taong sasagot sa mga learning module.

Ito ang inihayag ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio sa laging handa briefing.

Binigyang diin ni USEC. San Antonio na mapaparusahan ang isang guro kung ito ay mapatutunayan na kabilang ito sa ganitong kalakaran na tinatawag nilang “Sagot for sale”.

Ito ang naging tugon ng DepEd, matapos ibulgar ni Senator Sherwin gatchalian sa senado na may nangyayaring ganito sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.

Matatandaang, kinuwestyon din ng mambabatas ang 99% passing rate na idineklara ng DepEd para sa mga mag-aaral ng bansa.

Paliwanag ni USEC. San Atonio, kabilang na sa mga nakapasa ang mga estudyanteng may markang 75%.

SMNI NEWS