Sahod ng mga domestic helper sa Hong Kong, bumaba

Sahod ng mga domestic helper sa Hong Kong, bumaba

BUMABA ang sahod ng mga kasambahay sa Hong Kong kasunod ng mga bagong panuntunan sa pagluluwag ng mga restriksyon sa siyudad.

Mula sa HK$6,500 sa kasagsagan ng matinding kakulangan ng mga ito noong Abril bababa sa humigit kumulang HK$ 5000 ang sahod ng mga kasambahay.

Ayon sa chairman ng Hong Kong Union of Employment Agencies na si Thomas Chan Tung Fung, ang pagbaba ay dahil sa mas pinaikling 2 buwang paghihintay sa mga bagong kasambahay mula sa ibang bansa sa ilalim ng 0+3 scheme.

Aniya sa pagpapatupad ng 0+3 arrangement maaring mapabilis ang proseso ng aplikasyon at maibsan ang kakulangan ng mga katulong.

Dagdag pa ni Chan, sa ilalim ng bagong kaayusan maaring makatipid sa halaga ng quarantine at acid nucleic testing ang mga employer na mas pipiliin na manatili ang kanilang kasambahay sa hotel habang sumasailalim sa 3 araw na medical surveillance.

 

 

Follow SMNI News on Twitter