Sahod sa caregiving at nursing industry sa China, tumaas

Sahod sa caregiving at nursing industry sa China, tumaas

IGINIIT ng embahada ng Pilipinas sa China na mataas ngayon ang sahod sa caregiving at nursing industry sa China.

Sa eksklusibong panayam kay Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, tumaas ang labor cost sa nasabing mga trabaho dahil sa aging population ngayon sa China.

Batay sa datos ng China nitong Pebrero, mahigit sa 280 million ngayon ang aged 60 years old above sa kanilang bansa- bilang na mas marami sa kabuuang populasyon sa Pilipinas.

Ayon naman kay Florcruz, batid ng Chinese community ang magandang reputasyon ng mga Pinoy sa caregiving sector lalo na’t nakapagtuturo din ang mga ito ng wikang ingles.

‘’Marami pong mga pamilyang tsino na… Actually, alam nila ang reputasyon ng mga Pilipinong nannies na hindi lang nakatutulong sa bahay at natuturuan pa ng ingles at iba pang matututunan,’’ ayon sa Philippine envoy.

Mas pipiliin naman ng mga Pinoy caregiver sa China na magtrabaho doon kumpara sa Middle East kung saan may mga employer na malupit, saad ng mga Pinoy na nakausap ng SMNI News sa China.

Follow SMNI NEWS on Twitter