Sako-sakong basura, nakolekta ng mga volunteer sa paglilinis sa bahagi ng Brgy. Bata, Bacolod City

Sako-sakong basura, nakolekta ng mga volunteer sa paglilinis sa bahagi ng Brgy. Bata, Bacolod City

UMAGA pa lang ay nagtipun-tipon na ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) at ilang kawani ng gobyerno para sa massive cleanliness drive sa Barangay Bata, Bacolod City.

Bitbit ang kani-kanilang mga cleaning materials, sinimulan ng mga volunteer ang paglilinis sa kahabaan ng Circumferential Highway hanggang Medinah Street na sakop ng Barangay Bata.

Kabilang sa kanilang nilinisan ang mga kanal na barado dahil sa basura at maging lugar na ginawang tambakan ng mga basura.

Daang-daang sako at garbage bag ng mga basura ang ikinarga sa naunang dump truck kasama na dito ang mga sanga ng punong kahoy, mga lantang halaman at plastic bottles.

Isa itong pagpapakita ng malasakit sa ating kumunidad, bukod sa mga volunteers may mga residente rin na sumali sa inisyatibong ng SPM para gawing maayos at mas malinis ang Barangay Bata.

Marami rin ang umaasa na magpatuloy pa ito para ma-maintain ang kaayusan at kalinisan sa kanilang lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter