Sakripisyo ng mga OFW sa South Korea, kinilala ni VP Sara Duterte

Sakripisyo ng mga OFW sa South Korea, kinilala ni VP Sara Duterte

HINDI pinalagpas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkakataon na makipagkita sa Filipino community sa South Korea.

Sa kaniyang mensahe, kinilala ni Vice President Dutere ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Kabilang na rito sabi ng pangalawang pangulo, ang pagkakawalay nila sa kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng komportableng pamumuhay.

Nagpapasalamat si VP Duterte sa mga OFW sa South Korea dahil naitaas nila ang bandera ng Pilipinas at nakaka-proud aniya na marinig sa mga dayuhan ang appreciation nila sa mga trabaho nito.

“Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil naitataas niyo ang bandera ng Pilipinas sa ibang bansa. And it makes us proud na naririnig namin sa mga dayuhan ang appreciation nila sa mga trabaho ninyo,” mensahe ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

Sa ngayon, 57,000 Pilipino ang nagtra-trabaho sa South Korea.

VP Duterte, nakipagkita sa ilang matataas na opisyal ng South Korea government

Bago pa rito, nakipagkita rin si Vice President Duterte sa ilang matatas na opisyal ng South Korean government.

Kabilang na rito sina Republic of Korea Prime Minister Han Duck-soo at Deputy Prime Minister and Minister of Education Ju-ho Lee.

Grade 4 student mula sa Danao City sa Cebu, kasama ni VP Duterte sa South Korea

Samantala, kasama ni Vice President  Duterte sa South Korea ang Grade 4 student na si Kester mula sa Tito Melecio Elementary School sa Danao City, Cebu.

Si Kester ang pangatlong partisipante sa special project ng Office of the Vice President na ‘You Can be VP.’

Ayon kay Vice President Duterte na ang ‘You Can Be VP’ ay isang proyekto ng Office of the Vice President para sa mga kabataang mag-aaral upang mabigyan sila ng pagkakataong makita kung ano ang kaniyang ginagawa bilang Vice President.

Matatandaang tumungo sa South Korea ang pangalawang pangulo bilang isa sa mga keynote speaker at kinatawan ng Pilpinas sa 2023 Global Education and Innovation Summit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter