Sales ng malls sa NCR, sa weekends na lang –MMDA

Sales ng malls sa NCR, sa weekends na lang –MMDA

HINIHIKAYAT ang malls sa National Capital Region (NCR) na isagawa ang kanilang sales tuwing weekend at maging ang pagpunta ng publiko dito ay mas magandang hindi rin weekdays.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Atty. Melissa Carunungan sa panayam ng SMNI News, ito’y para tulong na rin na hindi magkaroon ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan.

Ayon kay Carunungan, halos magkapareho na ang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA ngayon sa pre-pandemic levels.

Kamakailan, napagkasunduan ng MMDA at mall owners at operators ang pagpapatupad ng adjusted mall operations mula 11am-11pm.

Epektibo ito mula noong Nobyembre 14, 2022-Enero 6, 2023.

Ang deliveries ay maari lamang mula 11pm-5am maliban sa pagdeliver ng perishable goods, restaurants serving breakfast, at groceries.

Inatasan din ang mga shopping mall operators na magsumite ng kanilang kanya-kanyang management plans at ilagay ang kanilang mall sales at promotional events, 2 linggo bago ang nakatakdang events.

 

BASAHIN: 11am-11pm mall hours sa NCR, magsisimula na sa susunod na linggo –MMDA

 

Follow SMNI News on Twitter