MAS mababa kumpara noong taong 2023 ang kabuuang auto sales ng American multinational automotive company na Tesla nitong 2024.
Sa kanilang ulat, halos 1.8M lang ang kanilang naibentang sasakyan o mababa ng 1.1% kumpara noong 2023.
Ibig sabihin anila, mas tumitindi na ang kompetisyon sa larangan ng electric vehicle sa kasalukuyan.
Noong Oktubre 2024 ay sinabi ng Tesla na lumalakas ang kanilang benta ngunit sa huli ay sila na mismo ang nagsabi na mas mababa pa rin ang kabuuang resulta.