Samahan ng mga barangay chairman sa Baguio City, suportado si BBM sa pagka-presidente

Samahan ng mga barangay chairman sa Baguio City, suportado si BBM sa pagka-presidente

SUPORTADO ng mga barangay chairman ng Baguio City si dating Senador Bongbong Marcos sa pagka-presidente ng bansa sa 2022 general elections.

BASAHIN: Kaso laban kay Marcos, walang basehan ayon sa Comelec

Kabilang sa nagpahayag ng suporta ang nasa 128 barangay chairman o mga kapitan ng Baguio nitong nakaraang weekend.

Sa event na inorganisa ng Labor Party of the Philippines, BBM ang sigaw ng mga kapitan na dumalo.

Ayon sa Labor Party, lahat ng mga kapitan sa Baguio ay all in sa pagsuporta kay Marcos.

AASENSO Partylist, suportado rin ng mga kapitan sa Baguio sa paparating na 2022 elections

Bukod kay BBM, suportado rin ng mga kapitan ang AASENSO Partylist.

Personal namang dumalo si Atty. Mark Tolentino sa pagtitipon.

Si Tolentino ang first nominee ng grupo na accredited tumakbo sa paparating na 2022 elections.

Kapakanan ng mga manggagawa ang isinusulong ng grupo sa susunod na Kongreso.

Nagpasalamat naman si Tolentino na host rin ng programang Pinoy Legal Minds sa DZAR Sonshine Radio sa suporta ng mga barangay kapitan sa Baguio sa kanila ni BBM.

Hanggang Hunyo 30, 2021 mahigit sa 147,000 ang registered voters sa Baguio sa paparating na 2022 elections.

BASAHIN: Libu-libong bilang ng Marcos supporters, nagsagawa ng motorcade sa Ilocos Sur

SMNI NEWS